by sam
Marahil ay marami ang nagrereklamo sa sobrang init ng panahon mula ng mga huling linggo ng Marso at unang linggo ng Abril, hudyat na talagang andito na ang panahon ng tag-araw sa 2008. Uso na naman ang halo-halo, mais con yelo, fruit shakes at iba pang pagkain na malamig. Napupuno rin ang mga malls ng mga taong nagwi-window-shopping at nagpapalam
ig lang. Napipilitan pumasok sa opisina ang ilan na ayaw maiwan sa bahay at magdusa sa init ni haring araw. Ngunit para sa iba, ito ay panahon ng bakasyon at byahe. At syempre pag sinabing bakasyon o byahe, ibig sabihin nito ay pangongolekta ng mga larawan at litrato at masasayang ala-ala.
Marahil ay marami ang nagrereklamo sa sobrang init ng panahon mula ng mga huling linggo ng Marso at unang linggo ng Abril, hudyat na talagang andito na ang panahon ng tag-araw sa 2008. Uso na naman ang halo-halo, mais con yelo, fruit shakes at iba pang pagkain na malamig. Napupuno rin ang mga malls ng mga taong nagwi-window-shopping at nagpapalam


Nagsimula ang tag-araw sa taong ito sa pamamagitan ng paglalakbay sa malayong lupain ng Bicol. Sa mga Isla ng Caramoan, Camarines Sur, kami ay buong araw na nag-island-hopping at swimming sa iba't-ibang klase ng pagka-asul na dagat sa Caramoan Peninsula. Pagkatapos nito ay camping sa isang isla doon at pinanood ang dahan na pagdilim at pagpalit ng kulay ng kalangitan at full moon na umakyat sa langit (bago kami inulan nung natutulog na kami).
Ito ang ilan sa mga kuha mula sa camera ko. Ang iba pang mga larawan ay nasa account ko sa Multiply.



Patunay na ang Baguio ay patuloy at walang kupas sa mga paboritong puntahan ng mga tao kahit ilang beses na silang nakapunta dito.
Ito ang ilan sa mga kuha ko at ang iba pa ay nasa Multiply account ko.
Hanggang sa muling pagbyahe,
- Sam
No comments:
Post a Comment