Wednesday, April 23, 2008

A lunar wedding




by ray

At 6 a.m., Saturday, we left the polluted air of Metro Manila for the cleaner and fresher environment of Batangas. Although we were on our way to cover Aris and Mary Grace's wedding, the idea of going home to the province is always relaxing. There's no smog and no traffic jam, or so we thought.

Traffic greeted us after we went down from the Alabang aqueduct. The lane widening and road repair project is still ongoing (and will probably continue for a year more or so). We did not expect any traffic that early in the morning. Fortunately, we were moving forward, a little slowly but moving nonetheless.

Aside from the traffic on/along the south highway, we also encountered choke points at Turbina, and at Carmel-Ray and First Philippines industrial parks. But it was a smooth drive after that. Before we reached the Laguna-Batangas boundary, we were going at a steady 80kph.

At nakalagpas na nga kami sa boundary. Ay siya! Batangas na! Kakaiba talaga kapag nasa sarili kang probinsya, pakiramdam mo baga'y alam na alam mo kung papano gumalaw at para gang kakilala mo lahat.

Tumungo na ang aming sasakyan papuntang Brgy. Luyos sa Tanauan. Wala pa sa amin nakakapunta roon pero ang sabi sa akin ni Aris ay malapit laang ang kanila: sa kananag bahagi sa tabi ng simbahan ng Luyos. Iyan ang pagkakasabi sa akin. Ang hindi niya nabanggit, at tuong hindi ko naman naitanong, ay kung gaano kalayo ang Luyos. Ay sus! malayo pala. Aba'y tan-aw na tan-aw mo na ang Tagaytay Highlands eh. Ang akala nga namin ay papar-un na kami. Buti na laang at hindi.

Medyo nagmamadali si Aris noong kami'y dumating dahil siya ay magaayos pa sa kanilang reception. Kinakailangang nandun na siya sa Shercon Resort sa Mataas na Kahoy ng maaga. Kaya kami naman ay mabilis na kumilos para matapos ang pagkuha sa kanyang preparasyon. Maganda naman ang mga kinalabasan. Are ga ang ilang sample.





Matapos naming kunan si Aris ay nagtungo na kami sa Galamay-Amo sa San Jose naman ito. Isa na namang malayong lupain, hehehe. Medyo naligaw kami sa pagpunta sa bahay ni Mary Grace dahil sa hindi ko maalala kung saang waiting shed dapat lumiko, kaya ayun, kami'y nakalagpas at kinailangang magtanong. Buti na laang kanyo na ang aming unang napagtanungan ay alam ang aming hinahanap, kaya mabilis na rin naming narating ang kina Mary Grace.

Duon na rin kami nananghali at ang daming nakain ni....ay siya di ko na laang babanggitin ang pangalan ni Toti at baka magalit (ooops!). Duon din namin natagpuan ang dalawang matandang (tiyuhin baga o lolo ata ni Mary Grace yung dalawa) na pwedeng pwedeng maging kasapi ng RedPixel dahil na rin sa angking galing bumato at sumambot ng dyok. Nabahaw sina Al at JR sa asaran eh. Akin laang tuong nakalimutan ang pangalan nung dalawa, sayang...tsk, tsk, tsk...tumatanda na rin ako.

Are naman ang ilang larawan na kinuha namin sa bahay nina Mary Grace.






Marami pa kayong makikitang larawan sa aming multiply account. Kaya kung kayo'y may oras, pwede kayong sumaglit dun.

Masaya ang aming naging shoot sa dalawang ito. Maraming pakulo sa reception na hindi namin nakita sa iba naming nakunan na. Biruin mo baga'y may basagan ng palayok pa at pabitin. Ang tema nila ay "fiesta" kaya may mga kakanin sa paligid ng reception tulad ng inihaw na mais, ice drop, nilabong itlog, suman, atbp. Buti na laang kanyo't walang palo sebo. Siguro'y nahirapang magisip ang dalawa kung sino sa kanila ang aakyat kaya din na laang isinali.

Nagkaroon laang ng kaunting problema sa sound system ng LCD projector, pero ganun pa man, nagawan naman ng paraan at naipalabas din ang kanilang mga videos. Bukod dito, wala ng iba pang naging problema.

Natapos ang gabi na kumakain kami ng pansit habang naglalangoy ang ibang bisita sa pool ng resort.

Masarap ang pansit.

Ay saglit, bakit pala "A lunar wedding"? Aba'y nung patapos na ang lahat ay sumikat ang buwan na kahit hindi kabilugan ay ubod naman ng liwanag at laki. Dagdag pa nito na ang apelyido ni Mary Grace ay "Luna" kaya naisip kong gamitin ang titulong iyon.

Ay siya...paalam muna

Saturday, April 12, 2008

difficulties..




by jr


01.56am..wala nko magawa kya naicipan ko magsulat habang nghihintay na pumatak ang alas tres ng madaling araw papunta sa malayong lugar para lumanghap ng sariwang hangin at magtampisaw sa dalampasigan..gusto kong mag-edit pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula..nawalan nko ng gana..ang hirap bumwelo..knina pko nakatitig sa monitor wala akong maicip na matino..cguro wala lang tlga ako sa mood… cguro dahil napipilitan lang ako na gumawa kc kailangan na.. o cguro excited lang ako na umalis..sana nga ganun n lang..sabi ko pa nman kanina hindi ako pupunta kina manang sarahs para maginom at doon nako maghihintay ng alas tres dahil dapat may matapos man lang ako bago ako umalis.. dahil cgurado pagbalik ko mas marami n akong kailangan pang tapusin at tyak n matatambak n nman..hay buhay..

sa sobrang pagkaburyong naicipan ko balikan si Nietzche.. bka sakali mainspire ako ng konti kahit alam ko nman na mas malamang na hindi..cguro dahil ang usual misconception sa kanya ay ang kanyang pagiging nihilist..that life is pointless..that everything deserves to perish…pero kung titingnan natin may punto si Nietzche.. we all at some point need to perish and experience difficulty..for it is a necessary evil if we really want to succeed.. Difficulty is normal ika nga.. we shouldn’t panic or give up when we experience it. We feel the pain because of the gap between who we are at the moment and the person we could ideally be…its because we cant master the ingredients of happiness in a straight way that we suffer as much as we do..the challenge is to learn to respond well to suffering and perhaps to use it to create something beautiful. That not everything that makes us suffer is necessarily bad for us and not everything which makes us feel good is necessarily good for us..labo ba?hehe..kung saan saan nko napunta..my apologies to whoever na makakabasa nito..wala lang ako magawa..muli, pasensya na..

mag-aalas tres na rin sa wakas..makaalis na..sana pagbalik ko makbwelo n ule ako..makabwelo hindi lang sa pag-eedit…salamat kay nietzche…

-jun

Wednesday, April 9, 2008

Simula ng Tag-araw 2008





by sam


Marahil ay marami ang nagrereklamo sa sobrang init ng panahon mula ng mga huling linggo ng Marso at unang linggo ng Abril, hudyat na talagang andito na ang panahon ng tag-araw sa 2008. Uso na naman ang halo-halo, mais con yelo, fruit shakes at iba pang pagkain na malamig. Napupuno rin ang mga malls ng mga taong nagwi-window-shopping at nagpapalamig lang. Napipilitan pumasok sa opisina ang ilan na ayaw maiwan sa bahay at magdusa sa init ni haring araw. Ngunit para sa iba, ito ay panahon ng bakasyon at byahe. At syempre pag sinabing bakasyon o byahe, ibig sabihin nito ay pangongolekta ng mga larawan at litrato at masasayang ala-ala.


Nagsimula ang tag-araw sa taong ito sa pamamagitan ng paglalakbay sa malayong lupain ng Bicol. Sa mga Isla ng Caramoan, Camarines Sur, kami ay buong araw na nag-island-hopping at swimming sa iba't-ibang klase ng pagka-asul na dagat sa Caramoan Peninsula. Pagkatapos nito ay camping sa isang isla doon at pinanood ang dahan na pagdilim at pagpalit ng kulay ng kalangitan at full moon na umakyat sa langit (bago kami inulan nung natutulog na kami).

Ito ang ilan sa mga kuha mula sa camera ko. Ang iba pang mga larawan ay nasa account ko sa Multiply.





Pagkatapos, noong nakaraang linggo ay nagpalamig at nag-ikot sa sinasabi nilang "summer capital of the Philippines" - sa Baguio City. Di tulad ng mga nakaraang mga tag-araw sa Baguio, nabawasan ng konti ang lamig sa araw, lalo na sa hapon kung saan sa sobrang init ay mabenta ang mga halo-halo at napupuno ang SM sa tambay. Pero bilang patotoo sa kanyang titulo, maraming pamilya, magbabarkada, magkaka-opisina ang umakyat pa rin na nandoon at nagbabakasyon. Puno ang mga kinagawian na mga puntahan doon tulad ng Mines View Park, Burnham Park, Tam-awan Village, Bell Church, Botanical Garden, Wright Park at iba pa. Pati mga sikat na kainan (Cafe by the Ruins, Oh My Khan, atbp.) ay may mahaba ang pila sa labas pagdating ng tanghalian.

Patunay na ang Baguio ay patuloy at walang kupas sa mga paboritong puntahan ng mga tao kahit ilang beses na silang nakapunta dito.

Ito ang ilan sa mga kuha ko at ang iba pa ay nasa Multiply account ko.





Hanggang sa muling pagbyahe,

- Sam

Pages

About This Blog

Popular Posts

Labels

Blogger news

Blogroll

Blog Archive